๐—›๐—ถ๐—ด๐—ถ๐˜ ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—ฏ๐—น๐—ฒ๐˜ ๐——๐—ฒ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ, ๐—œ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐——๐—ฆ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—˜๐—ฑ ๐—ข๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ; โ€˜๐—ฆ๐˜๐—ฟ๐˜‚๐—ด๐—ด๐—น๐—ถ๐—ป๐—ดโ€™ ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—ฆ๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐˜€ ๐— ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—œ๐—ฏ๐—ฎโ€™๐˜-๐—œ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐˜‚๐—ป๐—ด๐˜€๐—ผ๐—ฑ ๐— ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด

January 23, 2026 08:15 AM

LDS Charities members and DepEd official along with elementary students recipient pose for a group photo during the turn-over ceremony of donated tablets

๐˜–๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฐ ๐˜Š๐˜ช๐˜ต๐˜บ, ๐˜ก๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ด โ€“ Makikinabang ang ilang elementary student sa Olongapo City sa higit isang libong tablet device na ipinamahagi ng The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints o LDS Charities sa pamamagitan ng Department of Education o DEPED Olongapo.

Batay sa inilabas na Division Memorandum No. 035, Series of 2026 na may petsang January 19, 2026, layon ng nasabing donasyon ng LDS Charities na mabigyan ang mga estudyante sa pang-elementaryang lebel ng oportunidad na palawakin pa ang kanilang kakayahan sa pag babasa at digital literacy.

Lubos namang nagpapasalamat si Yumi Key. C. Serrano, Grade 6 Student mula Old Cabalan Integrated School (OCABIS), sa LDS para sa nasabing tablet. Aniya, โ€œmasaya po, gagamitin ko ito sa pag-aaral. Maraming-maraming salamat po sa nag-bigay ng tablet, at nakaktulong po ito sa pag-aaral ko.โ€

Kasama rin sa turnover ceremony ang mga kinatawan mula sa LDS na sina Brother Elder Webb at Sister Belinda Webb, na nagmula pa sa England, kung saan kanilang ipinahayag ang kanilang walang humpay na tulong lalo na sa mga estudyanteng hirap sa pagbabasa.

โ€œWeโ€™re hoping the technology may enhance reading, this is more like the pilot projects. If this improve readings of the students then this connect doors for many students in the Philippines. And Iโ€™m hoping that children engage especially with technology and because of that, hopefully, it will enhance their reading through that.โ€ ani ni Sister Webb.

Natutuwa rin si Imelda Macaspac, ang Olongapo Schools Division Superintendent, dahil sa nasabing donasyon ng LDS, aniya malaki ang magiging epekto nito para sa mga estudyante sa elementarya sa lungsod at maging sa mga guro.

โ€œMalaking tulong ito sa particularly sa mga learners na nasa frustration level sa reading, para nang sa gayon ay nakakapag-basa sila ng mga e-books at materials at na a-assess nila regularly ang kanilang reading abilityโ€ ani ni Macaspac

Ang LSD Charities ay ang humanitarian arm ng The Church of Jesus Christ of Latter-day saints sa bansa na nagbibigay ng tulong sa pamamagitan ng emergency response at health programs. Itinataguyod din nito ang community service projects tulad ng Mormon Helping Hands, donasyon ng teknolohiya at school supplies, at suporta sa lokal na inisyatiba.

Noong panahon ng pandemic, isa ang LDS Charities sa agarang nag-donate ng ilang box ng personal protective equipment o PPE, mga bote ng alcohol, face shields, surgical at washable face masks. Namahagi rin sila noong 2023 ng desktop computers sa SDO Olongapo upang asistihan ang mga estudyante sa Alternative Learning System o ALS.

Lubos namang nagpapasalamat si Bases Conversion and Development Authority (BCDA) Director Rolen Paulino Sr. sa nasabing donasyon ng LDS Charities.

Aniya, โ€œUnang-una, maraming salamat talaga kasi alam niyo education nalang ang pag-asa natin sa lahat ng nangyayari sa bansa natin at kailangan nakapalaking bagay dapat suportahan ang education. At yung mga kabataan, estudyante, recipeint wag sayang ang pagkakataon na binibigay satin [at] napakalaking bagay at tayo lang ang inaasahan ng bayanโ€. | via Jack Solano/GV Radios K5 News FM Olongapo