Bakit nagkakaroon ng Grid alerts?

Nagkakaroon ng Grid Alerts kapag may kakulangan sa generation supply at aberya sa transmission.
Pero alam mo ba?
Base sa datos, karamihan ng Red at Yellow Alerts ay dahil sa problema sa generation lalo na kapag biglang nagsa-shutdown ang mga planta.
Kapag nangyari ito, biglang bumababa ang available na supply ng kuryente, kaya mas mataas ang posibilidad ng rotational brownouts.
Ano ang kailangan?
Mas maraming reliable at stable baseload power plants sa tamang lugar para masigurong tuloy-tuloy ang supply ng kuryente.
#NGCP
Jul 27, 2026




