DATING CHAIRMAN NG SBMA WILMA EISMA, ITINALAGA BILANG BAGONG PANGULO NG PAGCOR


Itinalaga ang dating pinuno ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na si Wilma Eisma bilang bagong Presidente at Chief Operating Officer ng PAGCOR.

Inanunsyo kamakailan ang pag-upo ni Eisma sa pwesto sa pangunguna ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa Malacañang.

Si Eisma ang kauna-unahang babaeng Presidente at COO ng PAGCOR, na humalili kay Juanito Sanosa Jr. Na nag-resign noong Enero.

Pahayag ni PAGCOR Chairman Alejandro Tengco, ikinagagalak nilang tanggapin si Atty. Wilma Eisma sa kanilang ahensya.

Samantala, pagkatapos manumpa ay kaagad na dumalo ang bagong upong opisyal sa una niyang PAGCOR board meeting.

Matatandaang naupo si Eisma bilang Chairman Administrator ng SBMA noong taong 2017 hanggang 2022.

Angelo Turno | April 22, 2024