EA RAPID CHESS TOURNAMENT 2024, MATAGUMPAY!

Matagumpay ang kaunaunahang E4 Rapid Chess Tournament 2024 ng JCI Olongapo, na ginanap sa Promade Area ng Harbor Point Ayala Malls.
Sa panayam ng 88.7 K5 News Fm Olongapo, kay JCI Olongapo President Kel Gatmin, kaniyang sinabi na ang kompetisyon ay dinaluhan ng nasa 60 na mga chess players, na pawang mga Grade 7 hanggang Grade 10 students, mula sa Olongapo.
Ayon pa kay Gatmin na layon naman ng patimpalak na ito na maipakita ang mga talento ng mga batang gapo lalo’t higit sa larangan ng chess.
Kanila ring ninanais na masuportahan ang mga kabataang atleta sa alarangang ito at makahanap ng mga representate ng lungsod na kanilang sasanayin upang ilaban sa mga major tournament sa labas ng siyudad.
Samanatala, mayroong dalawang kategorya ang kompetisyon, kung saan nahihiwalay ang laban ng mga lalaki at mga babae.
Ang mga mananalo naman bilang Champion sa dalawang kategorya ay makakatanggap ng tig-P3,000 piso at medalya habang ang 1st Runner-up naman sa parehong kategorya ay tatangap ng tig-P1,000 at medalya.
Angelo Turno | April 22, 2024