'PH RICE SUFFICIENCY' POSIBLE KUNG BIGYAN NG PRIORITY FUNDS ANG DA

Dapat paglalaanan ng malaking pondo ng national government ang Kagawaran ng Agrikultura kung nais nito makuha ang ina-ambisyon na rice sufficiency ng bansa.
Natuklasan kasi ng aktibong-negosyanteng magsasaka na dating three-term congressman ng primiro distrito at kasulukuyang Misamis Oriental Provincial Governor Peter ‘Senior Pedro’ Unabia na sobrang liit lang ng pondo na ibinigay ng pambansang pamahalaan sa sektor ng agrikultura.
Bangggit ng gobernador na sa halos P168-B na DA annual budget, nasa estimated 98 bilyong piso lang ang napunta sa programang irigasyon at 10% naman ay para sa rice program.
Sinabi ni Unabia na masyadong kulang ang kada-taon na pondo na makuha ng DA kaya imposible ang isinusulong na rice sufficiency para sa bansa.
Magugunitang kilala na agricultural country ang Pilipinas subalit No.1 rice importer ito sa buong mundo nitong taon.