ISANG SENADOR, UMAPELA NA HUWAG PILITING PUMASOK SA PAARALAN ANG MGA ESTUDYANTE SA KABILA NG MAINIT NA PANAHON

Nanawagan si Senate Committee on Basic Education Chairman Sherwin Gatchalian sa mga paaralan na huwag piliting pumasok ang mga batang estudyante tuwing napakainit ng panahon.

Partikular na umaapela si Gatchalian sa mga punong-guro dahil may ilang mga lugar sa bansa na pumapalo ang temperatura sa 44 hanggang 45 degrees Celsius.

Sinabi ng senador na kung ihahambing sa lagnat na nasa 37 degrees Celsius, lagpas pa sa lagnat ang nararamdaman ng mga estudyante kapag ang temperatura ay singtaas ng 44 hanggang 45 degrees.