K5 NEWS FM NAKILAHOK SA MANGO EATING CONTEST SA DINAMULAG FESTIVAL 2024
Iba, Zambales — Masayang nakilahok ang K5 News FM sa isinagawang Mango Eating Contest sa pagdiriwang ng pang-limang araw ng Dinamulag Festival 2024 na ginanap sa Zambales Sports Complex sa Iba, Zambales nitong Martes, Mayo 7.
Sinalihan ni Ka-K5 Jack Solano ng K5 News FM Olongapo ang individual category kung saan ay kanyang tinapatan ang tatlo pang katunggali sa nasabing patimpalak.
Bagamat hindi nakuha ang pagkapanalo, matagumpay naman na itinaas ni Ka-K5 Jack ang bandera ng lungsod ng Olongapo at ng K5 News FM Philippines.
Ang Mango Eating Contest ay sub-event ng Dinamulag Festival 2024 na isinabay sa pag sasagawa ng Parayawan Agri-Tourism Showcase na matatagpuan sa loob ng Zambales Sports Complex.
Angelo Turno | May 7, 2024