KICK OFF NG DINAMULAG FESTIVAL 2024

Sinimulan na ngayong araw, Mayo 2, ang kick off ng pinaka-inaabangang fiesta sa Probinsya ng Zambales, ang Dinamulag Festival 2024.
Unang ipinagdiwang ang Dinamulag Festival noong 1999.
At ngayong taon naman ay muling ipagdiriwang ang isa sa pinakamakulay na selebrasyon sa Central Luzon.
Sa pagbubukas ng selebrasyon ay ginanap ang ikalawang Shootfest ni Zambales Governor Jun Ebdane, sa Camp Captain Conrado D. Yap, Iba, Zambales.
Dinaluhan ito ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP), Philippine Army at mga sibilyan.
Sa Mayo 6 naman ay ang opisyal na seremonyas at pagbubukas ng taunang piesta, kung saan maraming mga events at activities ang inihanda para sa mga manoood na Zambaleño at mga turista.
Ang Dinamulag Festival o kilala rin sa tawag na Zambales Mango Festival ay ang taunang selebrasyon ng magandang ani ng mangga para sa probinsya.
Ang Dinamulag ay isang variety ng Carabao Mango kung san ito ay ang pangunahing produkto sa Probinsya ng Zambales.
Noong 1995 ay kinilala ang mangga ng Zambales ng Guinness World Record bilang pinakamatamis na mangga sa buong mundo at noong 2013 naman ay kinilala ito ng Department of Agriculture bilang pinakamatamis na mangga sa bansa.
Angelo Turno | May 2, 2024