MGA BATANG EDAD 1-4 DAPAT IPAREHISTRO - PSA

Muling hinihikayat ng Philippine Statistics Authority ang mga magulang na iparehistro ang kanilang mga anak edad 1 hanggang 4 na taong gulang sa Philippine Identification System (PhilSys).

Ayon kay PSA Deputy National Statistician Fred Sollesta, nakatanggap ang PSA ng 220,000 registrants simula ng buksan ang registration para sa mga bata noong Pebrero subalit ito ay mababa pa rin kumpara sa kabuuang bilang ng mga bata sa naturang age group na nasa 10 million.

Aniya, mayroong inilatag ang ahensiya na mobile registration booths gaya ng nasa Santulan Daycare Center sa Malabon para mahimok ang mas maraming batang Pilipino na magparehistro.

Makakatulong din ang pagpaparehistro ng mga bata sa PhilSys para sa kanilang mga transaksiyon sa gobyerno para sa hinaharap.