MGA KALAHOK NG 'LUMBA TAMO' UMARANGKADA SA LANSANGAN NG ZAMBALES PARA SA IKA-5 ARAW NG DINAMULAG FESTIVAL

San Felipe, Zambales — Umarangkada na ngayong araw ng Mayo 7 ang ‘Lumba Tamo’ o ang Gov. Jun Ebdane’s Roadbike Challenge sa ika-limang araw ng Dinamulag Festival 2024 sa San Felipe, Zambales.

Ayon kay Enrico A. Matibag, ang Sports and Youth Development Consultant ng Probinsiya ng Zambales tatahakin ng nga kalahok ang 148 kilometers na ruta mula San Felipe hanggang Sta. Cruz at mag tatapos sa Zambales Sports Complex sa Iba, Zambales.

Sa pinaka-bagong datos nasa 551 ang mga registrants, 85 dito ay pro cycling, 246 naman ang mga junior open at 220 naman para sa youth.

Kabilang din sa pro-cycling ang Philippine national team, nasa 300 naman ang mga nag register na hindi taga-Zambales.

Dumalo rin sa nasabing event si Gov. Hermogenes Ebdane at mga kawani ng provincial government.

Ito na ang pangalawang edisyon ng ‘Lumba Tamo’ na hango mula sa salitang Zambal na ‘karera tayo’.

Layunin ng nasabing event na ma-promote pa ang turismo sa probinsiya at ang pagiging malusog na pangangatawan ng mga kabataan.

Ilan sa mga posibleng mapanalunan ng mga kalahok ay cash prize, finisher t-shirt at trophies.

Jack Solano | May 7, 2024