MGA PRODUKTONG AGRIKULTURA, IBINIDA SA 'PARAYAWAN AGRI-TOURISM SHOWCASE' SA GITNA NG PAGDIRIWANG NG DINAMULAG FESTIVAL 2024

Iba, Zambales — Itinampok sa isinagawang ‘Parayawan Agri-Tourism Showase’ sa Zambales Sports Complex, Iba, Zambales ang mga produktong agrikultura na galing sa iba’t-ibang munisipalidad sa nasabing probinsya sa gitna ng pag diriwang ng ‘Dinamulag Festival 2024’ nitong Lunes.

Layunin ng nasabing aktibidad ang lubusang pagsusulong ng pagkakaisa at pagsasama-sama ng mga lokal na pamahalaan at mga stakeholders para sa ikakaunlad ng sektor ng pang-agrikultura at turismo sa probinsiya.

Personal ding dumalo sa pista si Zambales Governor Hermogenes Ebdane na nag bigay ng mensahe at upang pormal na obserbahan ang ‘Parayawan’. Aniya, mahalaga ang pag diriwang nito hindi lamang para sa mga Zambaleno kundi para na rin sa mga bisita at turista.

“As we progress through the years, talagang nag iimprove yung mga activities natin… We will start the Parayawan Showcase today. We have series of events, kaya let us just as well enjoy it.” ani ni Ebdane.

Pagdaragdag pa niya, “We have lots and lots of activity not only to celebrate Dinamulag but to initiate progress in Zambales. Habang tumatagal, mas marami tayong nagagawa”

Ayon naman kay Lugil Ragadio, Board Member ng 2nd District of Zambales, malaki ang importansyang ginaganapan ng pista dahil mas mapapakilala pa nito ang iba’t-ibang mukha ng mga munisipalidad.

“Parayawan is an event where every local government unit or a certain association can showcasing their products and harvest. Each food is unique, each booth represent the distinct characteristic of feature of each town in the province of Zambales” ayon kay Ragadio.

Ang ‘Parayawan Agri-Tourism Showcase’ ay pormal na nag bukas nitong Lunes, Mayo 6 at tatagal hanggang Biyernes, Mayo 10.

Bukas ito sa publiko simula alas-10 ng umaga.

Jack Solano | May 6, 2024