PANGANDAMAN: P15.507 BILYONG DISASTER RELIEF FUND HANDANG GAMITIN PARA SA EL NIÑO

Tiniyak ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman na handa ang gobyerno na suportahan ang mga pagsisikap na maibsan ang epekto ng El Niño phenomenon, dahil ang National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) ay nasa P15.507 bilyon pa.

Ang halaga ay bahagi ng kabuuang P20.5 bilyon na inilaan para sa NDRRMF para sa 2024.

Samantala, ang available na balanse ay binubuo ng natitirang P14.85 bilyon mula sa 2024 General Appropriations Act (GAA) at P653.7 milyon mula sa 2023 continuing appropriations.

Kasama rin sa available na balanse ang P1.0 bilyon na inilaan para sa parametric insurance coverage ng mga pasilidad ng gobyerno laban sa mga natural na kalamidad.

Ang alokasyong ito ay dagdag pa sa built-in na Quick Response Fund (QRF) sa halagang P7.925 bilyon na inilaan sa mga sumusunod na natukoy na ahensya:

• Department of Agriculture (DA) : P1 billion
• Department of Education (DepEd) : P3 billion
• Department of Health : P500 million
• DILG – Bureau of Fire Protection (BFP) : P50 million
• DILG – PNP : 50 million
• DND – Office of Civil Defense (OCD) : P500 million
• Department of Public Works and Highways (DPWH) : P1 billion
• Department of Social Welfare and Development (DSWD) : P1.75 billion
• DOTr- Philippine Coast Guard (PCG) :
P75 million

“We are prepared to support all operations that seek to cushion the negative impacts of the dry spell affecting various provinces in the country. Our data shows that as of April 24 this year, the disaster relief fund stands at over P15 billion,” pahayag ni Secretary Pangandaman.

“Aside from that, several identified agencies may mobilize their QRF allocated in their respective budgets when necessary, in accordance with the respective special provisions for QRF. Malaking tulong po ‘yan sa mga apektadong komunidad sa bansa,” dagdag niya.

Dapat gamitin ang NDRRMF para sa aid, relief, at rehabilitation services sa mga komunidad/lugar; gayundin, mga gawaing sa pagkukumpuni, rehabilitasyon, at reconstruction works na may kaugnayan sa pagkakaroon ng mga natural o human-induced na mga kalamidad sa kasalukuyan o dalawang (2) naunang taon, na napapailalim sa pag-apruba ng Pangulo.

Ang pondo ay nagsisilbi rin bilang karagdagang pagkukunan ng pondo ng mga ahensya na ang mga budget ay kinabibilangan ng mga probisyon para sa QRF kapag ang balanse nito ay umabot na sa 50%, napapailalim sa pag-apruba ng DBM.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon briefing noong ika-24 ng Abril 24, iniulat ng tagapagsalita ng Task Force El Niño at Assistant Secretary ng Presidential Communications Office na si Joey Villarama na may kabuuang 103 na lungsod at munisipalidad ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng El Niño.

P4.5 billion inilaan para sa Crop Insurance

Bukod sa NDRRMF, naglaan din ang PBBM administration ng kabuuang P4.5 bilyon para sa Crop Insurance Program ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).

Para sa 2024, ang awtorisadong paglalaan ng PCIC na P4.5 bilyon sa ilalim ng FY 2024 GAA ay inaasahang sasakupin ang buong halaga ng mga crop insurance premium ng mahigit 2.292 milyong target na magsasaka.

Noong Marso 19, 2024, pinahintulutan ni Secretary Pangandaman ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) na may kabuuang halaga na P4.5 bilyon at ang katumbas nitong Notice of Cash Allocation (NCA) para sa 1st Quarter ng taon sa halagang ₱900 milyon sa PCIC.

Froy Sanchez | April 27, 2024