PHINMA SUBSIDIARY, NAGLUNSAD NG BAGONG INSULATED PANEL PLANT SA PAMPANGA

PHINMA SUBSIDIARY, NAGLUNSAD NG BAGONG INSULATED PANEL PLANT SA PAMPANGA

Ang yunit ng PHINMA Corporation (PHINMA) ay nagsagawa ng isang multi-millionpeso na pabrika na magtatayo ng insulated panels na naglalayong palakasin ang seguridad ng pagkain sa bansa at suportahan ang agrikultura sa Pilipinas sa gitna ng lumalalang krisis sa klima.

Ang Union Insulated Panel Corporation (UIPC o Union Insulated Panels), ay isang kumpanya na bahagi ng PHINMA Construction Materials Group (PHINMA CMG), ay nagdaos ng seremonya para sa bagong state-of-the-art na pasilidad sa Porac, Pampanga.

Dahil sa taunang kapasidad ng produksyon sa isang milyong metrong kwadrado ng mga panel, ay magbibigay-daan ang pasilidad na ito ng UIPC ng mas mahusay na paglilingkod sa merkado ng mga materyales na may mataas na kalidad na nag-aalok ng dagdag na halaga para sa mga pangangailangan ng cold chain facilities at sa mga kaugnay na negosyo habang pinapalakas ang kanilang mga operasyon sa pagiging kapaki-pakinabang.

Pinangunahan ni Danielle del Rosario, ang Chief Operating Officer (COO) ng UIPC ang seremonya, kung saan kasama rin niya ang mga executives katulad nina PHINMA CMG President at Chief Executive Officer (CEO) Eduardo Sahagun at PHINMA Chairman at CEO Ramon del Rosario, Jr. Kasama rin sa pagtitipon ng mga opisyales ng Porac tulad nina Mayor Jaime Capil, Municipal Councilor Adrian Carreon, at Municipal Engineer Glenn Lansangan.

“Today, we did not just break ground on a new manufacturing facility. We laid the foundation for a future where high-quality insulated panels will redefine the standards of cold storage solutions,” sabi ni Ms. del Rosario sa pagtanggap ng groundbreaking reception sa Hilton Clark Sun Valley Resort. “As we navigate the challenges of food security and climate change, these panels will be at the heart of modern supply chain logistics, ensuring that temperature-sensitive goods are preserved with the utmost efficiency from production to consumption,” dagdag pa niya.

Tinawag ni PHINMA CMG Chairman Victor del Rosario ang pasilidad na ito na isang “prime example” ng progresibong pananaw ng grupo sa mga isyu sa kasalukuyang panahon. “Our products need to change with the times. With global warming, with the needs of our agricultural sector, we deemed fit that insulated panels are the next big thing we want to go into,” ang sinabi pa niya sa pagtanggap.

Ipinagmalaki ni CEO Sahagun ang bagong pasilidad na insulated panel na inilunsad ng PHINMA CMG bilang tugon sa mga isyu ng climate change at food security ng bansa. “By improving energy efficiency and providing better storage solutions, the insulated panels produced by this new plant will help us better fulfill our mission of making lives better—from every farmer who toils under the scorching sun to plant the crops that we eat, to every Filipino who buys this produce to sustain and nourish his family,” pahayag ni CEO Eduardo Sahagun

Samantala, pinuri ni G. del Rosario, Jr. ang UIPC at PHINMA CMG para sa pagbibigay ng mga solusyon sa negosyo sa mga nabanggit na isyu, nang sa gayon ay makatulong sa pagpapabuti ng buhay ng mga Pilipino sa mas malakihang saklaw at sa mas diretsong pagtugon.

“For over six and a half decades, PHINMA has responded to the needs of our society and our country by providing communities the essentials to a dignified life, proving that business can indeed be a force for good. As we move closer to our 70th year, we will continue to expand and invest in sectors and industries that contribute to the economy and to nation-building,” dagdag pa aniya.

Itinatag noong 2022 sa ilalim ng 60-taong Union Galvasteel Corporation, isang pinagkakatiwalaang korporasyon sa mga solusyon sa bakal at bubong, na nagbibigay ang UIPC at pag-iinstall ng mga premium insulated panel para sa mga pangangailangan sa bubong, pader, cladding at paggamit ng iba’t ibang pasilidad na kontrolado ang temperatura tulad ng mga cold storage, blast freezers, at mga warehouse sa sektor ng pagkain, agrikultura, at ng mga industrial.

Ang Union Insulated Panels ay nagbibigay ng pagtitipid sa pamamagitan ng pinabuting energy efficiency, pagbabawas ng oras sa konstruksiyon, long-lasting na moisture resistance, pagbabawas ng ingay o noise reduction, at mas mahusay na proteksyon laban sa sunog. Bukod dito, ang kanilang grupo ay kumukuha ng ipagsangguni para maunawaan ang mga mahalagang pangangailangan ng mga customer upang makabuo ng mga disenyo at mga proposal sa pagtatayo para sa mga proyektong nais ipasadya.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *