PUV CONSOLIDATION, HINDI PAPALAWIGIN

Ayon kay LTFRB chairman Atty. Teofilo Guadiz III na kapag natapos na ang extension ang mga Public Utility Jeep na hindi nakapag-consolidate ay hindi na papayagan pang makapag-operate.
Mahalaga aniya na mag-consolidate na sila dahil ito ay bahagi ng modernization program na kanilang ipinapatupad.
Lahat aniya ng mga prankisa ng hindi nakapag-consolidate ay kanilang tatanggalin at papayagan lamang nila ay yung nakapag-consolidate.
Magugunitang ikinakasa ng ilang transport group ang tigil pasada bilang pagkontra sa consolidation program ng gobyerno.
Martha Madel Ballao | April 9, 2024