Umabot ang pinakamataas na heat index sa lungsod ng Olongapo sa 41 degrees Celsius nitong nakaraang mga araw, na nagbabanta sa suplay ng tubig sa lugar.
Ito ang pangalawang pagkakataon sa loob ng dalawang linggo na ang heat index sa lungsod ay malapit na sa antas ng “panganib”.
Ayon sa PAGASA ang 42 °C ay nauuri bilang “danger” level dagdag pa dito na ang heat index ay tumutukoy sa antas ng discomfort na nararamdaman ng isang karaniwang tao dahil sa epekto ng temperatura.
Ang pagtaas ng temperatura sa lungsod ay dahan-dahang nagresulta sa pagbaba ng tubig mula sa gripo, kabilang ang mga ilog, ayon sa mga lokal na opisyal.
Gayunpaman, sinimulan na rin ng ilang paaralan na limitahan ang mga personal na klase upang mabawasan ang discomfort na nararanasan ng mga mag-aaral.
Martha Madel Ballao | April 8, 2024