SBMA CHAIR TINALAKAY ANG ₱6.33-M PLANO SA SUBIC PORT EXPANSION PLAN

Pinangunahan ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman at Administrator Eduardo Aliño ang pagpapalabas ng ₱6.33 milyong plano para sa ekspansyon ng Port ng Subic sa pangunahing Freeport na ito.

Sa harap ng mga kalahok sa Central Luzon Transport & Trade Conference 2024 na ginanap sa Hilton Clark Sun Valley Resort noong Mayo 24, ipinakilala ni Aliño ang plano ng pagpapalawak sa Port ng Subic sa ilalim ng Japan International Cooperation Agency (JICA)-Regional Development Master Plan.

“Subic Bay Freeport will have additional berthing facilities in the Boton Area alongside the expansion of the Boton Wharf with an approximate cost of P6.33-million. The plan would include the reclamation for a terminal expansion with a ten-hectare area, expansion and deepening of the existing wharf by 1.5 meters, and the inclusion of a general cargo and Roll-On Roll-Off (RoRo) terminal,” sabi ni Aliño.

Sinabi rin niya na ang New Container Terminal 3 ay may plano rin para sa pagpapalawak na maglalaman ng karagdagang pasilidad sa pagbabarko at isang quay na may haba na 410 na metro at lapad na 700 na metro, may kabuuang lugar na 28.7 na ektarya, at may lalim na 16 metro. Ang proyektong ito ay magkakahalaga ng ₱20 bilyon.

Naghahanda rin ang ahensya na lumikha ng karagdagang pasilidad sa pagbabarko sa San Bernardino Road na magkakaroon ng isang multi-purpose terminal na may haba ng quay na 400 na metro, sa area na may 17.4 na ektarya, na may lalim na 12 na metro.

“The construction of the 400-meter wharf will have warehouses and open spaces, an empty container yard, and a truck weigh scale area. The expansion at the San Bernardino Road will cost around P10 billion,” dagdag pa ni Aliño.

Bukod sa mga nabanggit na mga plano sa pagpapalawak, layunin din ng SBMA na ipatupad ang Port Expansion Plan sa Redondo Peninsula na naglalaman ng konstruksyon ng isang multi-purpose terminal na nagkakahalaga ng ₱9.35 bilyon na may haba na 600 na metro at lapad na 500 na metro na may kabuuang lugar na 30 na ektarya at may lalim na 13.5 na metro.

“This will also include the construction of a 600-meter wharf, warehouses, an admin building, truck parking, truck weigh scale, sentry gate, open storage, offices and facilities for workers,” dagdag pa ni Aliño.

Sa kasalukuyan, mayroon ding plano para sa isang proposed multi-purpose terminal sa Lower Mau area ng Subic Bay Freeport na naglalaman ng 570 na metrong quay na may kabuuang lugar na 17.2 na ektarya at may lalim na 13 na metro. Ang nabanggit na pasilidad ay magkakaroon ng mga kaparehong amenidad ng iba pang multi-purpose terminals, ngunit may halos ₱10.19 milyon na magagastos.

Ipinahayag ni Aliño na ang SBMA ay positibo sa industriya ng pagpapadala, na nagpapahiwatig na ang Subic Bay Freeport Zone ay madaling makayanan ang industriya ng pagpapadala sa Hilagang Luzon at Gitnang Luzon. Sabi pa niya na “this is why we are pushing for these expansion plans, we want the world to know that Subic Bay Freeport is more than capable of handling their cargo,” ang dagdag niya.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *